cool hit counter
Home » First Person » Hindi Ko Kayo Malilimutan, Part 1

Hindi Ko Kayo Malilimutan, Part 1

Unang Bahagi at Pangkaligirang Kasaysayan: Alaala ng mga Artistang Pumanaw
(First Part, and Where I’m Coming From: Memoirs of Some Dearly Departed Artists)

Bilang isang manunulat, napakarami ko nang nilikha at nailimbag sa iba’t ibang peryodiko at mga popular na babasahin na iba’t ibang mga elehiya para sa mga artistang naging kasamahan ko sa industriya na pawang nangagsumakabilang buhay na.

Mars sandwiched by Tere Legarda(R) and Joan Orendain (L)
Mars sandwiched by Tere Legarda(R) and Joan Orendain (L)

Sa malas, iba’t iba syempre ang tono, pananaw, istilo ng panulat at saka yung tinatawag na “point of attack” ang ginagamit ko sa aking obra ayon na rin sa indibidwal na katauhan o angking personalidad ng ipinagpupunyaging nilalang na lumisan na at siyang ibinabandila upang mapakinabangan naman sa mundong ibabaw lalu na nating mga dating ka-alyansa sa Sining. Buti pa sila, nanahimik na sa piling ng Poong lumikha sa ating lahat, samantalang tayo, heto tayong mga naiwang patuloy at patuloy ang pagsagwa sa karagatan ng buhay.

Alalaong baga, iba iba rin ang klase ng pamamaalam, ng pag-sasariwa ng mga araw na pinagsamahan, ng pagdarakila sa mga kakaiba at natatanging pag-uugali,paniniwala at pagkatao ng isang yumaong nag-iwan ng kahulugan sa iyong buhay.

Bilang halimbawa, hindi ko makalilimutan kailanman ang malagim na road accident na maagang ikinamatay ng isang batambata at napakagandang stage actress na si Teresita (Tere) Legarda. Mula siya sa angkan ng mga Legarda, “pedigreed” kung baga antas ng kalagayan sa lipunan ang tinutukoy. Anak siya ng batikang mestizong artistang si Tony Carreon (yumao na rin) na respetadong character actor sa lahat ng medyum ng pag-arte. Binata pa ako at bagets na bagets nung nagkapartner kami sa isang Broadway play ni Neil Simon na “You Know I can’t Hear You When the Water is Crying.” Produkto siya ng Repertory Philippines at sadyang nakapanghihinayang talaga ang maagang niyang paglisan sa mundo lalu pa’t bibihira ang may mga “classic beauty” na napapadpad sa Teatro tulad niya bukod pa sa nakapag-aral pa man din sa Oxford University sa Inglatera. Naka-preserved ang mga pictures naming dalawa sa aking mga “memoirs.”

Ang isa pang napakaaga ring pumanaw at sa isang trahedya rin sa lansangan — bumagsak sa isang malalim na hukay sa kalye ang kotseng dinadrayb niya. Si Ella Luansing Tinio. Siya ang pinakapaborito at iniidolo kong Pilipinong actress sa entablado at tinatayang first lady of the Philippine theater . Mapalad akong mapasama sa Teatro Pilipino (circa-1977-late 80’s, ang premyadong resident theater ng CCP noon at tanging grupong nagmimina ng mga klasikong dulang banyaga na isinasalin sa Pilipino . Halos sampung taon din ang ginugol ko bilang isang full-time resident actor sa Teatro Pilipino kung saan siya ang aming tinitingalang principal actress. Lalong naging malalalim ang aming naging pagsasamahan, sa loob at labas ng Teatro dahil siya rin ang naging parang maestra at modelo ng aking ex-wife na si Divina Cavestany at marami ang nagsasabing magkamukha daw sila at iisa rin ang classical style of acting sa kanilang pag-ganap dahil hinubog sila pareho ng pinaka-henyo ng Dulaan sa Pilipinas, ang dating si Rolando S. Tinio.

Napakahaba ng aking elehiya para kay Ms. Luansing-Tinio sa Manila Chronicle, ang dyaryong kadalasang binabasa ng mga artists dahil napakalawak at napakahusay ng coverage nila sa arts and leisure.

Bilang balik tanaw, masasabi kong halos naglulupasay ang tagulaylay kong iyon kapara ng ipiniture ko ring isa pa naming kasamahang artistang si Adul de Leon na namatay naman din sa aksidente rin pero mas madrama dahil dinugo siya mismo sa entablado sa gitna ng palabas at tinapos pa niya ito nang walang kamalay-malay ang mga manonood. Itinakbo na lang siya sa ospital pagkatapos at doon na siya natuluyan. Dati na siyang may malubhang sakit na di inaalintana pero gaya ng klasikong kinagawian sa teatro, “the show must go on.” Ang hindi ko makalilimutang quotable quote ko kay Adul, ay yung sinabi niya nung ininterbyu ko siya sa Philippine Genral Hospital (PGH) : “Hindi ako kayang igupo ng sakit kong ito. Kakalabanin ko ito.”

Ang tatlong artistang bababeng ito ang palagi nang nasa aking puso at muling binubuhay kapag ako ay may idinidirek na mga baguhang artistang babae dahil hinuhubog ko sila ayon sa galing at exemplary paradigm ng mga natatangi at kakaibang artistang ito.

Naalala ko rin noong namatay si Estrella Alfon, mga apat na dekada na ang nakaraan. Dinumog ng “who’s who” sa daigdig ng arts and letters sa GMA (Greater Metro Manila Area) ang Kanyang lamay. Si Mommy Alfon kasi ang naturingang “Mommy ng bayan” — ang kauna-unahang nagpauso at talaga namang itinuring na “Mommy” nang lahat ng sugo, alipin, at galamay ng Sining (i.e. mga director, scriptwriter, actor, designers, mga reporters at iba pang dyarista, mga mandudulang kasamahan sa Teatro at iba pang mga visual artists at mga premyadong literateur at kung sinu-sino pang culture vultures na humanga at naging tagapagtangkilik ng isang di matatawarang “moog” at Patnubay ng Sining.

Ang laki ng utang na loob ko kay Mommy. Siya ang kaunang kumilatis, kumilala at nagtiwala sa akin at siya ring nagbigay ng big break, sabi nga. Kahit college dropout lang ako sa PLM (Pamanntasan ng Lungsod ng Maynila) noon, kinuha niya akong staff writer at kapagdaka’y ginawa niya akong Editor ng “BITUIN: Styles and Stars” – isa sa mga pinakaunang kontrobersyal na showbiz tabloid noong circa 1960-s umabot hanggang mid-70’s kung saan doon kami nag-oopisina sa ekslusibo at pamosong National Press Club sa may gilid ng Post Office Building sa Lawton sa may paanan ng Jones bridge na walking distance din lang sa Fort Santiago where PETA is based so journalists by day, theater artists by night ang drama ng buhay ko noon.

"Stalwarts of Philippine Theater" performed by from left to right the late Rolandio and wife Ella-Luansing, Cecile Guidote Alvarez, Mars Cavestany and Divina Cavestany
"Stalwarts of Philippine Theater" performed by from left to right the late Rolandio and wife Ella-Luansing, Cecile Guidote Alvarez, Mars Cavestany and Divina Cavestany

Batambata pa ako noon, less than 20, pero na-espose ako nang maaga at “sumuso” sa mga henyo ng Teatro at Panitikan sa Pilipinas. Hindi ako mahihiyang mag-name-dropping kasi karangalan kong nakatrabaho silang lahat at iyon lang ang maipagmamalaki kong kaibhan sa iba. Biruin mong maging istudyante ka halimbawa o nagworkshop kina Dr. Severino Montano, Wilfredo Ma. Guerrero, at Rolando S. Tinio o nabahiran man lang galing nina Nick Juaquin, Dr. Alejandro R. Roces – lahat sila naka-ukit nang mga pangalan sa listahan ng ating dinarakilang National Artists.

Sa dami nang mga haligi ng panitikang nahirang na bilang National Artists sa Pinas at nagsipanaw na, nararapat lang na maihanay doon at mabigyan ng Posthumous National Artist Awards si Mommy Estrella Alfon kabilang na rin ang kaliga at kasabayan niyang niyang si Pura Castilian Castrence na kasama nating nag-migrate rin sa Australia at naging contributor sa mga community papers dito na namatay na rin a few years ago.

May isa pang mahal na mahal ko noon pa mang nagtatarabaho ako sa CCP at siya ang aming pinaka-big boss. Si Dr. Lucrecia R. Kasilag, na kamag-anak naman ni Baby Kasilag, na kilala sa ating community bilang active lider at mananayaw.

Wala na ako sa Pinas nung pumanaw na si si “Tita King” , ang national artist for music at pinakamahabang pangulo at artistic director ng Cultural Center of the Philippines na siyang naging sentro ng aksyon, drama, at makukulay na sandali sa aking sariling development as a cultural worker at arts manager sa ilalim ng pamumuno ni Tita King na co-terminus ng mga Marcoses. Bilang isa sa mga original at long staying executive staff ng CCP, umabot halos ng 16 years ang long service ko, against Tita Kings more than 25 years. Ang siste, kahit natapos na ang Martial Law at nagpalit na ng mga bagung naghahari-harian sa bansa maging sa Sining, pareho kami ng istorya ni Tita King at ng iba pang old stalwarts ng CCP na hindi malaman ng bagong administrasyon kung saan iluluklok.

The late Tita King with Mars and Greek artist Vasilis Fotou
The late Tita King with Mars and Greek artist Vasilis Fotou

Hindi naman nila kami basta-basta mapatatalsik dahil civil service qualified kami at de-kalibre kaya hindi tipong pwedeng palitan at pasukan nila ng kanilang mga tao. Namamayagpag noon ang kampo ng mga taga-UP sa pangunguna ni Dr. Nick Tiongson na nahirang na bagong Artistic Director samantalang ang political appointee naman ni Tita Cory ay si Mrs. Roxas na siyang pumalit eventually kay Tita King.

Pero bago yon, sa kaso ni Tita King, ang dami syempreng nagkanya-kanyang palakasan at kanya-kanyang “paper pushing” and “pulling strings” habang ni-retain si Tita King na Presidente pa rin pansamantala saka unti-unting pinag-resign “gracefully”, deserving of her magnanimity and stature. Sa taong yon din siya hinirang pa man ding national artist sa bagong pag-upo ni Cory Aquino na naluklok sa pwesto resulta ng People Power/EDSA REvolution. Nandoon pa ako noon at tandang-tanda ko ang “dead silence” sa Malacanang noong binabasa ni Tita King ang kanyang acceptance speech at walang takot pa rin niyang pinasalamatan at binanggit ang mga Marcoses – sa pagkakataong iyong walang sinumang magtatangkang magbitaw ng mga pangalang masahol pa sa persona non grata at mistulang “curse in the halls of Malacang.” Si Tita King ang isa sa mga henyong nagturo sa akin ng kahalagahan ng debt of gratitude sa kapwa artista, ng katapangan, lalu na sa tapang na nanggagaling sa iyong kumbiksyon o tibay ng paniniwala (courage of one’s conviction) at katatagan ng loob.

Marami ring unwritten stories ng mga taong nagtrabaho, naging loyal sa mga Marcoses o nagkataong napailalim sa kanilang rehimen ang nakaranas ng kanya-kanyang paghihirap sa workplace lalu na sa gobyerno matapos nga naman ang higit sa 20 taong inilagi nila sa kani-kanilang puwesto.

Sa mga artists na katulad ko na tunay na namayagpag noong kapanuhan nila Imelda – wala kaming pakialam kung nag-mukhang “tau-tauhan” o nagpagamit kami sa tinagurian nilang diktadurya. Para sa akin, kanya kanyang panahon yan. At sa Pilipinas, kahit sino pa ang nasa pwesto “corrupt” pa rin ang pagpapatakbo ng gobyerno.

Matatag ang paniwala kong nasa sa tao na yon kung magpapagumon ka sa sistema, o sasakyan mo ito para mabuhay habang nagbabalanse ka ng sarili mong prinsipyo at praktikalidad. At pag di mo na kaya – layas na. Mangibang bansa ka. Sa kaso ko, ayoko nang pahirapan pa ang mga nag-aambisyong mga dati kong kasamahan rin sa Sining na nagkataong kabilang sa kabilang kampong — mga anti-establishement “kuno” pero nung nasa pwesto na sila e di sila rin ang naging komando. Dahil di-naman ako nagpalakas lang at masasabing mayroon din naman akong sinasabi, madali akong nagpa-lateral transfer na lang sa state university ng pagtuturo (Philippine Normal College, my beloved alma mater) para maging full-time university professor in English, Journalism and theater arts bukod pa sa pagmu-moonlight teaching ko rin sa De La Salle at sa University of the East.

Markado sa aking alaala ang Dalawang huling pagkikita namin ni Tita King – nung namaalam ako sa kanya na magma-migrate na ako sa Australia para ipagpatuloy ang aking matagal nang naudlot na Ph.D ay tuwang-tuwa nya akong hinagkan at nagbiro pang “naku mauunahan mo pa ako” sabay bunot ng 300 US dollars sa kanyang lumang buslo na ipinabaon sa akin. Si Tita King kasi, naging “Dr. Kasilag” siya not by virtue of education but by deserved bestowment pero nangangarap pa rin siyang matapus yung PhD niya. Para din nung isa ko pang maestra na si Dr. Naty Crame Rogers na finally ngayon, kasi ipinagpatuloy pa rin niyang PhD niya sa Centro Escolar kahit retirado na bilang long-time Chairman ng Speech and Drama Department na nag-produce ng mga istudyanteng artistang tulad ko.)

Nung huli kong uwi sa Pinas nung 2007, naabot ko pa sa kanyang wheel chair si Tita King . May return performance ako sa CCP noon at kailangan ko siyempre ng endorsement ng aking Presidente sat artistic Director noong aking panahunan na walang iba kundi si Tita King na halos hindi na ako nakilala. Inaalalayan na siya ng nurse sa pagpirma habang inaawitan siya ng kanyang komposisyon ni Fides Cuyugan Asensio at tumutugtog naman si piano si Zenas Reyes Lozada, mga kaibigan-kabarkada ko as Pinas na matatayog na artists – bagay na miss na miss ko dito sa Australya kasi bibihira ang tunay at ekspiriyensadong artists na kasing kalibre nina Tita King, Fides at Zenas sa ating komyunidad. Mas maraming nagpapanggap at naggagaling-galingan.

May dalawa pa akong masasabi na ring natulungang discoveries na komedyante sa Pilipinas na kapwa na ring Zoraida Sanchez. Pareho ko silang daingb arisa sa enablado. Si Rene ang pinakamatindi – siya ang tunay na sumikat at kung di maagang pumanaw ay mala-Dolphy na rin sana ang Kanyang narating.

Kailanman hindi ko malilimutan ang huling pagtatagpo namin ni Rene.

Isang pamosong komedyante na naging politico rin siya nang minsang nagpangita kami sa LVN Studios. Katanyagan niya noon at ang tagal na naming di nagpapangita simula noong madiskubre siya sa enablado, natangay sa telebisyon at napasama sa grupo ng di matitibag sa kaanyagang sina “Tito-Vic- and Joey” hanggang sa nagsarili na nga lang siya kasi kaya na niyang magdala ng pelikula na siya lang ang bida at hindi ala-alalay lamang. Kung baga kay Ai Ai de las Alas ngayon, ganoon katayog ang inabot ni Rene.

Balik sa kwento ko. Kuruin nyo ba namang talagang tumawid pa si Rene ng kalye para lang batiin ako at magkape muna raw kami.

Sa kanya ko nailapat yung English expression na a real friend will cross he street for you. Hindi yung kinawayan ko lang o nginitian.

Nung namatay siya, akong pinasulat ng aking editor sa Philippine Times Journal ng isang “tribute” para sa isang dakilang artista. Pinakita ko sa artikulo ko kung paanong bumulusok sa alapaap ang isang nagmula lamang sa Tenement Houses hanggang sa napasama sa Dulaang Kabataang Baranggay na proyekto dati ni Imee Marcos noong kanyang kabataan na ako naman ang isa sa mga tagapag-paganap sa pamamagitan ng Dulaang Kabataang Baranggay ng Manila Metropolitan Theater.

Kuruin mo, matapos ang lahat ng iyon, magkikita kayo nang di sinasadya, tapos tatawid ng kalye ang isang “superstar”para bumati sa dating kasamahan. Malaking bagay na sa akin yung makawayan ka man lang para patibaying may sign of recognition. Pero ang ginawa Rene, super talaga. SOBRA, kung baga sa ekspresyon ngayon. Paano mo makakalimutan ang napaka-simple pero kung wawariin ay napakadakilaang “act” na yon na nagpapatibay na di siya nagbago, gaya pa rin siya ng dati at marunong siyang tumanaw sa mga dating kasamahan. Ipi-priserba mo syempre sa iyong listahan ng mga “unforgettable golden moments” ang mga ganoong pagkakataon. Kaya noong namatay siya tandang-tanda kong titulo ng artikulong isinulat ko para sa kanya: No More Chance Meetings with Rene Requiestas.

Si Zorayda Sanchez naman, madrama ang pnagsamahan namin. Una kaming nagsama sa Universuty of Life kung saan hinirang akong Artisic Director ni Imelda Marcos para sa kanyang bagong “baby” na ang ideya ay kinopya niya sa China. Nagayo kami ng Dulaang Bayan na naging developmenal theater arm ng Human Settlements upang ipalaganap ang mga palaporma ng Bagong Lipunan. Sa madaling sabi, si Zorayda ang isa sa mga staff writer na ginamit ko ring isa sa mga artista. Minasan nauusan ko siyang maglinis ng enablado, Baku kinabukasan may mahaba siyang sulat sa akin na hindi naw siya pinag-aral ng kanyang mga magulang para lang magwalis ng Teatro.

Kinausap ko siya nang masinsinan. Nagpasinabi naman ako, humingi ng pasensiya,pero kako sa kanya sa Teatro lahat pantay pantay lalu na sa komyunidad. Pag pinaglinis ka ng director ng Teatro gagawin mo yon nang walang malisya o walang tanung-tanong kasi heare is a communal effort.May kasabihan pa nag noong uanng oanahin ang mga artisa sa enablado na “ I will map the floor of the theater jus to be of service to it.” Ganoon nila dinadakila ang Sining ng Teatro. Kakabit ito ng isa pang kasabihang “there are no small roles, only small actors.” Ibig sabihin, Kahit gaan kaliit ang papel mo sa isang dula, malaki ka pa rin kaya hindi mo dapat minamaliit ang anumang ginagawa mo para sa Sining ng Teatro.

Tanda ko, nauna si Zoraydang napadpad sa pelikula sa akin. Tanyag na siya nung gumawa ako ng kana-unahan kong independent film na isinulat ko at kapwa idinirehe with another veteran director bilang on-the-job training. Kinuha ko si Zoraydang artista. Kahit maliit lang ang talent fee niya, tinanggap niya nung malaman niyang ako ang iskriptwrayter at co- director at sadyang isinulat ko yung cameo role niya tailor made talaga para sa kanya.

Tulad ni Rene ang tagal din namang nagkahiwalay nang landas. Napadpad ako sa Australia at siya naman nagbalik opisina bilang editor ng isang in-houe publication ng isang governemn institution nung wala nang kmukuha sa kanya dahil marami anng nagsulpuang bago0ng komidyante. Nalaman ko ito nung 2006, nang nagbalik-bayan ako sa Pinas para ibulgar sa ating mga kababayan ang aking kinasadlakan sa Australia na ginawa kong theatrical presentation at ginami angbtearo bilang pulpit sa pahtuuro a pagmumulat ng mga istudyante tungkol sa mga UN Developmental goals kasama na ang HIV-AIDS.

Minsan sa isang palabas at lecture- demonstration ko sa PETA Theater sa Quezon City usually meron akong open forum. Napukaw ang atensyon ng lahat nang may isang matandang babaing nakasalamin na nagtaas ng kamay sa may likuran. Gusto raw niyang magsalita at magbahagi ng mensahe, kaya kinailangan pang maghanap ng mikroponong mas may mahabang linya para umabot sa kanya.

Wika niya sa mikropono sa boses na mabanayad subalit may iwing katatagan: “Ako po ay nagpupugay nang buong puso sa ating ispiker ngayon na walang takot na nagbuklat ng kanyang aklat at nagsiwalat ng kanyang buhay nang buong tapang. Maging ang kanyang karamdaman na karaniwang itinatago nating mga Pilipino dahil sa hiya ay di niya ikinahiya. Pero si Sir Mars, ginamit niyang hanguan ng aral ang Kanyang eksperiyensa sa ibang bansa, at sino nga naman tayo para maghusga. May sari-sarili tayong kahinaan sa buhay. Pero ang ginagawang ito ni Sir Mars ay katangi-tangi at tunay na apakikinabangan nating lahat – ng buong mundo.”

Tapos, bigla siyang naglabas ng panyo at naluha. Patuloy niya: “Sir, kung natatandaan pa po ninyo ko, ako po ang dinuskubre ninyong artista noon si Zorayde Sanchez. Maysakit din po ako sir…Kanser na pinakatagu-tago ko para maiwasan ang anumang sasabihin nang tao. Pero noon, at ngayon, may natutunan na naman po ako sa inyo. Pareho lang po tayo ng debilitating at terminal illness na tinataglay ninyo. Ang mahalaga, pinalakas ninyong loob kong suungin at harapin ang kapwa natin hinaharap ng buong tatag gaya ninyo Sir nakuha niyo pang gawing advocacy ang karamdaman ninyo para maimulat sa kabataan ang safe sex. Hayaan ninyo ituturo ko rin iyan sa mga anak. Salamat po at mabuhay kayo.”

Naku po, napabunghalit sa tawa ang madla habang marami ang naluha. Magkahalong tawanan, iyakan at masaigabong palakpakan ang isinukli sa amin ng madla nang tinawag ko si Zorayda sa entablado at kasama ko siyang nag-final bow.

Pag-uwi ko sa Sydney, nabalitaan kong hindi na pala nagtagal at bumigay na rin si Zorayda – nasa Stage 4 na yata siya.

Ako, salamat sa Panginoon at buhay na buhay pa rin. Patuloy ang aking advocacy. Sa tuwing nagsasalita ako sa iba’t klase ngmga tao – yun bang tinatawag ng mga Christians at Praise the Lord followers na “nagpapatotoo” o “nagpapatunay at nagpapatibay karanasan otherwise simply known as “sharing” sa mga tao – palagi kong nababanggit ang mga matatamis at makabuluhang alaala ng aking mga katotong artistang nagsipanaw na.

(May kasunod.)

Other post/s by Mars Cavestany

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or using these buttons to share it with your friends in your social network.

Do you like to recommend us to your friends? Here are some who did.


Compare hotel prices and find the best deal - HotelsCombined.com

One Response to Hindi Ko Kayo Malilimutan, Part 1

  1. avatar

    Violi Reply

    March 1, 2012 at 7:05 pm

    Maraming salamat sa iyo Dr Mars Cavestany sa pagbahagi sa aming mangbabasa ang mga kasaysayan ng mga kasamahan mo sa teatro na mga pumanaw na. Para na rin naming nakadaupang palad sila at para naming naranasan ang mga kapaligiran mo sa pamamagitan ng iyong mga kwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>